Skip to main content

Men’s Day Culminating Activity

Men’s Day Culminating Activity
Pinasimulan ng isang Banal na Misa handog sa mga nagdiriwang ng Men’s Day Culminating Activity na ginanap sa Quezon Convention Center sa lalawigan ng Lucena.
Ayon sa ating Ina ng Lalawigan ng Quezon, Governor Doktora Helen Tan na dapat mas lalong paigtingin ang laban para sa dumaraming bilang ng kaso hinggil sa usapin sa kabataan at mga kababaihan at ito’y magiging matagumpay kung magtutulungan ang lahat at pangungunahan ng mga MOVE.
Dinaluhan ito ni DPWH Region 1 Director Engr. Ronnel Tan bilang Honorary Chairperson ng MOVE Quezon Chapter, kasama rin sina Provincial Administrator Manny Butardo, Acting PGAD Head Sonia Leyson, at ang dalawanlibo’t apat na daang partisipante mula sa iba’t- ibang ahensya ng gobyerno.
Ang nasabing programa ay bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women, sa pangunguna ng Mens Opposing Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE Quezon) at ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang Provincial Gender and Development Quezon at Philippine Commission on Women.
Masaya din na nakiisa at nakisaya ang mga kababayan nating mga miyembro ng MOVE sa nasabing aktibidad kasama si MGAD Consultant Filomena M. Portales, MADO/GPFS Staff Mita A. Merana, Kons. Seth R. Almonte bilang Vice President ng MOVE, mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan at mga pinuno mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
Congratulations sa Real MOVE Dancers dahil nakamit nila ang Kampeonado para sa naganap na MOVE Tiktok Live Challenge.
#RealenoDisiplinado
#RealenoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Latest Articles

Official Website of Municipality of Real
error: