Mga Alituntunin sa pagpapatupad ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions

a) Ang mga establisimyento sa paghahanda ng pagkain tulad ng mga commissaries, mga restaurants, at kainan ay maaaring magbukas kasama ang indoor dine-in services, ang kabuuang kapasidad ay hindi lalampas sa dalawampung porsyento (20%), at ang mga al fresco o outdoor dine-in services ay hindi hihigit sa kapasidad ng limampung porsyento (50%). b) Mga personal services, tulad ng mga beauty salon, mga beauty parlor, barbershops, at nail spa, ay maaaring magbukas hanggang tatlumpung porsyento (30%) ng kabuuang kapasidad. Para sa hangaring ito, ang mga establisimyento ay magbibigay lamang ng mga serbisyo kung mapapanatili ang pagsusuot ng face mask ng mga clients/costumers o service providers sa lahat ng oras.
c) Ang mga Meetings, Incentives, Conventions, at Exhibitions (MICE) ay hindi pinapahintulutang isagawa o magbukas. Ang mga social gatherings tulad ng kasal, binyag, birthdays, anniversaries at iba pang kahalintulad nito ay hindi pinapahintulutan subalit kung ito ay gaganapin sa inyong tahanan ay limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya at may kaukulang permiso na nagmula sa barangay na nakakasakop.
d) Ang mga outdoor tourist attractions ay pinapayagan sa tatlumpung porsyento (30%) ng kabuuang kapasidad ngunit hindi pinapahintulutan ang mga turista na manggagaling sa lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine at kinakailangan ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.
e) Sa ilalim ng Safety Seal Certification Program, ang mga negosyo o establisimyento na nagawaran ng Safety Seal Certification ay pinapayagan na magbukas at may karagdagang sampung porsyento (10%) sa itinakdang kabuuang kapasidad.
f) Ang mga indoor sports courts, venues at indoor tourist attractions ay hindi pinapahintulutang magbukas.
g) Ang mga specialized markets ng Department of Tourism tulad ng mga staycation na walang age restrictions ay mananatiling pinapayagan sa itinakdang kapasidad, kailangang sumunod sa mga protocols at restrictions na maaaring ipataw ng DOT;
h) Pinapayagan ang paglalakbay na interzonal batay sa ilalabas na patakaran ng Lokal na Pamahalaan na iyong pupuntahan. Ang Point to Point Travel ay pinapahintulutan kung ang pupuntahang lugar ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine. Pinapahintulutan lamang ang mga nasa edad na mas mababa sa labing walo (18) at higit sa animnapu’t limang (65) taon kung ito ay sasailalim sa RT-PCR o antigen test o kung anuman ang mga protocols at restrictions na ipapatupad ng Department of Tourism at ng Lokal na Pamahalaan na pupuntahan.
i) Ang mga pagtitipong panrelihiyon ay papayagan hanggang sa tatlumpung porsyento (30%) lamang ng kabuuang kapasidad. Ang mga gawaing panrelihiyon ay kinakailangang sumunod sa minimum public health standards.
j) Ang mga pagtitipon para sa necrological services gaya ng lamay o paglilibing para sa mga namatay maliban sa sanhi ng COVID-19 ay pinapayagan ngunit limitado lamang sa immediate family o miyembro ng pamilya. Kinakailangang sundin ang minimum public health standards sa lahat ng oras. Ang paglalamay ay hindi hihigit sa tatlong (3) araw.
k) Ang iba pang mga patakaran at alituntunin na kinakailangang ipatupad sa ilalim ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions ay nakasaad sa Omnibus Guidelines on the Implementation of the Community Quarantine of the Philippines. Pinapahintulutan ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon ngunit limitado lamang sa 50% ng kabuuang kapasidad at point to point lamang (mula sa pinanggalingan hanggang sa lugar na pupuntahan lamang).
l) Ang mga logistics service providers tulad ng delivery and courier services; cargo handling; warehousing; trucking; freight forwarding; shipping, port and terminal operators and contractors and ancillary services (i.e. drivers, conductors, terminal workers) ay pinapahintulutan.
m) Ang mga kawani o manggagawa para sa mga construction projects, ito man ay pampribado o pampubliko ay pinapahintulutang isagawa alinsunod sa patakaran na inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang dito ang mga contractors, subcontractors at consultants ng Department of Transportation para sa pagsasagawa ng Build Build Build flagship infrastructure projects;
n) Ang mga abogado na kinakailangan magbigay ng serbisyo para sa on-site legal representation na kinakailangan para sa proteksyon sa karapatang pantao ito man ay natural o panghukuman ay pinapahintulutan.
o) Ang sinumang tao na maglalakbay para sa serbisyong medikal o
humanitarian reasons, at may nakatakdang iskedyul ng bakuna (kinakailangan may katunayan ng iskedyul ng bakuna), at iba pang nangangailangan ng DFA consular services (with confirmed appointments) ay pinapahintulutang lumabas ng kanilang mga tahanan.
p) Ang sinumang tao na pupunta o manggagaling sa paliparan (airport) kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dala ang kanilang Overseas Employment Certificate ay pinapahintulutang lumabas.
Para sa inyong kabatiran. Manatili tayong ligtas!
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 2 0
Users Today : 19
Users Yesterday : 54
Users This Month : 666
Users This Year : 12019
Total Users : 12020
Views Today : 52
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: