Mga kalalawigan, narito po ang schedule ng Semana Santa ngayong taon. Bukas pa rin po sa publiko ang pagpunta sa mga simbahan ngunit mahigpit pa ring ipapatupad ang mga guidelines ng IATF hinggil sa pag-iwas sa COVID-19.
Bagamat mayroon pa ring mga itinakdang limitasyon, maaari pa rin nating ipagdiwang ang Semana Santa at Pasko ng Pagkabuhay nang taimtim at may kabuluhan. Ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng buong pamilya sa loob ng tahanan. Maaari ring subaybayan ang mga misa ng simbahan sa telebisyon at sa mga live streaming sa iba’t-ibang social media platforms.
Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng may COVID-19 sa buong bansa, pinapayuhan po ang lahat na sundin ang mga nakasaad na panuntunan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa atin ngayong Semana Santa.
#SerbisyongSuarez
#aksyonatserbisyo
#GobDanny
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines