Skip to main content

MGCQ | Events and Gatherings

ANG MGA PAGTITIPON tulad ng, ngunit hindi limitado sa pagpapalabas ng pelikula, konsiyerto, sporting events, at iba pang gawaing pang-aliw, gawaing pang-relihiyon, at mga kumperensya ay pahihintulutan hangga’t hindi lalampas sa kalahati ng kabuuang upuan o kapasidad ng lugar ang dadalo.
✔ Kinakailangan lumagda ng pangako sa paganap o Affidavit of Undertaking bilang pahintulot mula sa Barangay ng hindi bababa sa pitong (7) araw bago magsagawa ng anumang pagtitipon tulad ng, ngunit hindi limitado sa binyag, kasal, birthday, reunions, anniversary, donation drive, lamay na dadaluhan ng higit sa dalawampung (20) katao.
✔ Kung ang pagtitipon ay gaganapin sa tahanan at inaasahang magkakaroon ng mga bisita na magmumula sa ibang tahanan, mangyaring makipag-ugnayan sa Barangay na nakasasakop sa inyo.
✔ Ang lahat ng may-ari ng pagdarausan (Event Venue) ng anumang pagtitipon ay kinakailangan ding humingi ng pahintulot mula sa Barangay.
✔ Ang lahat ng venue ay kailangang maghanda ng talaan ng mga dadalo sa mga nabanggit na pagtitipon.
✔ MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ang paggawa ng anumang ingay gaya ng videoke, live/acoustic band at paggamit ng malakas na sound system mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng umaga.
✔ MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ang anumang uri ng pagsusugal at inuman sa anumang pagtitipon lalong higit sa lamayan.
✔ Ang lahat ng opisyal na pagtitipon ng mga pampublikong tanggapan sa Bayan ng Real, ay kinakailangang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ating sa Lokal na Pamahalaan. INAASAHAN ANG MAHIGPIT NA PAGTALIMA NG LAHAT.

#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: