MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF April 14, 2021 | 5:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 182 (NEW)
• Isang 52-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Llavac
• Lumuwas noong ika-22 ng Marso patungong Manila upang mag-asikaso ng kaniyang mga kinakailangan sa pag-alis ng bansa
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-11 ng Abril bilang bahagi ng requirements at lumabas na POSITIBO ang resulta noong gabi ng ika-13 ng Abril
• Nakaranas ng sintomas tulad ng ubo at pananakit ng dibdib
• Nakatakdang dalahin sa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 183 (NEW)
• Isang 60-taong gulang na babae mula sa Brgy. Poblacion 1
• Siya ay si suspect case #129
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-10 ng Abril at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-14 ng Abril
• Nakaranas ng sintomas tulad ng hirap sa pag-hinga
• Kasalukuyang nasa isang health facility at patuloy na mino-monitor ang kaniyang medikal na kondisyon
•Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 6 0 1
Users Today : 21
Users Yesterday : 55
Users This Month : 1247
Users This Year : 12600
Total Users : 12601
Views Today : 62
Views Yesterday : 74

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: