Skip to main content

MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF April 16, 2021 | 5:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 184 (NEW)
• Isang 31-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Maragondon
• Siya ay si suspect case #142
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-13 ng Abril at lumabas na POSITIBO ang resulta noong ika-15 ng Abril
• Nakaranas ng sintomas tulad ng pabalik-balik na lagnat at sipon
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 185 (NEW)
• Isang 68-taong gulang na babae mula sa Brgy. Poblacion 61
• Nakaranas ng sobrang pagka-hilo at panghihina ng ibabang bahagi ng katawan kung kaya’t agad na dinala sa isang health facility
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-15 ng Abril bilang bahagi ng protocol sa pinag-dalahang health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta noong araw din na iyon
• Walang ibang sintomas na nararamdaman
• Patuloy na mino-monitor ang kaniyang medikal na kondisyon
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Official Website of Municipality of Real
error: