Ang ating bayan ay muling nagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 206 (NEW)
• Isang 67-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Ungos
• Siya ay si suspect case #151
• Nakaranas ng sintomas tulad lagnat
• Dinala sa isang health facility noong ika-17 ng Abril at nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-22 ng Abril bilang bahagi ng protocol sa pinagdalahang health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-28 ng Abril
• Patuloy na mino-monitor ang kaniyang medikal na kondisyon
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines