MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF April 29, 2021 | 5:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 207 (NEW)
• Isang 44-taong gulang na babae mula sa Brgy. Cawayan
• Siya ay si suspect case #155
• Nakaranas ng mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pangangati ng lalamunan at sipon
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-23 ng Abril at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-29 ng Abril
• Kasalukuyang naka strict quarantine at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 208 (NEW)
• Isang 50-taong gulang na babae mula sa Brgy. Maragondon
• Siya ay isang health worker
• Nakaranas ng sintomas tulad ng ubo
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-23 ng Abril bilang bahagi ng routine swab test na isinasagawa sa mga health workers na nakatalaga sa Municipal Isolation Unit at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-29 ng Abril
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 209 (NEW)
• Isang 30-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Poblacion 1
• Siya ay isang frontliner
• Nakaranas ng mga sintomas tulad ng ubo at sipon
• Nag-positibo sa COVID-19 Rapid Antigen Test kung kaya’t nakuhanan ng RT-PCR test bilang confirmatory test noong ika-23 ng Abril at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-29 ng Abril
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 210 (NEW)
• Isang 23-taong gulang na babae mula sa Brgy. Poblacion 1
• Walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic
• Nagtatrabaho sa Metro-Manila at may nakasalamuhang nag-positibo sa COVID-19
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika–28 ng Abril bilang bahagi ng isinagawang contact tracing at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-29 ng Abril
• Nakatakdang dalahin sa Municipal Isolation Unit upang mai-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 1 9
Users Today : 18
Users Yesterday : 54
Users This Month : 665
Users This Year : 12018
Total Users : 12019
Views Today : 51
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: