Ang ating bayan ay muling nagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 91 (NEW)
• Isang 82-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Llavac
• Dinala sa isang health facility noong ika-31 ng Disyembre at nasuri na mayroong Hypertension at Diabetes Mellitus
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-4 ng Enero bilang bahagi ng protocol sa pinagdalahang health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika–6 ng Enero
• Patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247