MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF MARCH 13, 2021 | 5:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 112 (New)• Isang 41-taong gulang na babae mula sa Brgy. Kiloloron
• Nanggaling sa isang health facility at nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-12 ng Marso bilang bahagi ng protocol ng health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta noong araw din na iyon
• Walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 113 (New)
• Isang 51-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Poblacion 1
• Nanggaling sa isang health facility sa Metro Manila upang magpa-medical check-up at makalipas ang ilang araw ay nakaranas ng sintomas na hirap sa paghinga kung kaya’t muling dinala sa isang health facility
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-12 ng Marso at lumabas na POSITIBO ang resulta noong araw din na iyon
• Patuloy na mino-monitor ang kanyang medikal na kondisyon
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 114 (New)
• Isang 31-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Poblacion 1
• Nagtatrabaho sa Metro Manila at may nakasalamuha na nag-positibo sa COVID-19 sa kaniyang trabaho kung kaya’t nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-11 ng Marso at lumabas na POSITIBO ang resulta noong ika-12 ng Marso
• Walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247

#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 1 9 8 0
Users Today : 33
Users Yesterday : 44
Users This Month : 626
Users This Year : 11979
Total Users : 11980
Views Today : 64
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: