Skip to main content

MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF MARCH 14, 2021 | 7:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 115 (New)• Isang 38-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Poblacion 61
• Isa sa mga natukoy na direktang nakasalamuha ni confirmed case #101
• Nakakaranas ng sintomas na lagnat, ubo at sipon
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-12 ng Marso bilang bahagi ng isinagawang contact tracing at lumabas na POSITIBO ang resulta noong gabi ng ika-13 ng Marso
• Kasalukuyang naka strict quarantine at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 116 (New)
• Isang 5-buwan na sanggol na lalaki mula sa Brgy. Maragondon
• Isa sa mga natukoy na direktang nakasalamuha ni confirmed case #100
• Walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic
• Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-12 ng Marso bilang bahagi ng isinagawang contact tracing at lumabas na POSITIBO ang resulta noong gabi ng ika-13 ng Marso
• Kasalukuyang nasa Municipal Isolation Unit at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Official Website of Municipality of Real
error: