MUNICIPALITY OF REAL COVID-19 UPDATE, AS OF MARCH 18, 2021 | 5:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng bagong kaso ng COVID-19. Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 121 (New)
• Isang 25-taong gulang na babae mula sa Brgy. Poblacion 1
• Walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic
• Nakatakdang sumailalim sa isang operasyon kung kaya’t nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-17 ng Marso bilang bahagi ng protocol sa pinagdalahang health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta ngayong ika-18 ng Marso
• Kasalukuyang nasa isang health facility at patuloy na mino-monitor ang kanyang medikal na kondisyon
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuhaPAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 6
Users Today : 30
Users Yesterday : 119
Users This Month : 932
Users This Year : 12285
Total Users : 12286
Views Today : 51
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: