Agosto 6, 2021 – Katuwang ang Tanggapan ng Panlalawigan Beterinaryo ng Quezon nagpadala ng blood sample at fecal swab ng baboy ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultur upang suriin ang dahilan ng pagkakasakit ng baboy at ito ay kinumpirma ng Regional Animal Disease Diagnosis Laboratory o RADDL sa Lipa City Batangas ang unang kaso ng African Swine Fever o ASF sa Bayan ng Real.
Magkakaroon ng pagpupulong ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultur, Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino, Punong Barangay upang pagplanuhan mga dapat gawin at ipatupad ang bio-security measures ng bawat babuyan, upang hindi kumalat ang ASF virus.
Pansamantalang ipinatitigil ang pagpoproseso ng Animal Health Certificate o AIC upang maiwasan ang pagkalat o kontaminasyon ng nasabing virus. Lalo pang paiigtingin ang pagsusuri sa animal control checkpoints upang ito’y ma-check ng maayos at hindi makarating sa ibang barangay maging sa ibang lugar.
I-report ang anumang kaso ng pagkakasakit sa inyong alagang baboy, makipag-ugnayan sa barangay, Tanggapan ng Pambayang Agrikultur upang agad nating mapuksa at maiwasan ang pagkalat ng ASF.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines