
National Arts Month 2023
Noong 1991, idineklara ng noon ay Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan Presidential Proclamation No. 683 na ang buwan ng Pebrero ng bawat taon ay Pambansang Buwan ng Sining upang ipagdiwang ang kahusayan sa sining at magbigay-pugay sa kakaiba at pagkakaiba-iba ng pamana at kulturang Pilipino.
Sa taong ito, ang tema ay “Ani ng Sining, Bunga ng Galing” kung saan ang “galing” ay tumutukoy sa kahusayan sa sining bilang parehong pinagmumulan ng kaligayahan sa kabila ng mapanghamong panahon, at produkto ng hilig ng mga Filipino Artists at cultural workers. Ito rin ay nagbibigay-diin sa kapasidad ng sining na pagalingin, muling itayo, at ibalik sa isang post-pandemic na setting.
Kaugnay nito, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino, katuwang ang Tourism Section sa pangunguna ni Tourism Operations Officer I Benirose Marie V. Talabucon at ang ating mga local artists mula sa KATA Realeño, ay naghanda ng mga pagsasanay para sa higit pang ikakagaling ng ating mga piling kabataan at guro. Ito ay ang Mobile Arts Training na isasagawa ngayong darating na February 10 and 11, 2023 kung saan magkakaroon ng Dance Workshop, Singing Workshop, Painting Class at Folk Dance Workshop para sa mga MAPEH Teachers and Local Choreographers.
Ang lahat po ng Realeño ay maari ding sumali sa Tiktok Song Dance Contest na kung saan ang guidelines at mechanics ay makikita sa mga larawan.
Para sa iba pang katanungan, maaaring magtext o tumawag sa 09460893169 o mag-email sa tourismrealquezon@gmail.com.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso