National Arts Month Celebration

Ang Buwan ng Pebrero ay Buwan ng mga Sining o National Arts Month alinsunod sa Proklamasyon Blg. 683 na nilagdaan noong 1991. Ang tema para sa taong ito ay, Alab Sining, Alay Sigla na naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa mga local artists na magamit ang kanilang talento at pagkamalikhain sa pag-angat ng diwa ng bansa sa gitna ng pandemya.Bilang pagsuporta, ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Real katuwang ang National Commission on Culture and the Arts ay magsasagawa ng Art Workshop – Painting Class sa February 23,2021, 8:30 hanggang 4:00 pm kasama si Mr. Egai Taluz Fernandez (Resource Speaker) – multi awarded watercolorist at Dance Workshop sa February 24, 2021 ganap na 8:30 am hanggang 4:00 pm na pangungunahan ng isa sa miyembro ng Halili-Cruz School of Dance. Ito ay ating gaganapin sa ikatlong palapag ng ating Municipal Government Center. Amin pong inaanyayahan ang lahat ng mga nagnanais na makiisa na makipag ugnayan kay Bb. Benirose Talabucon -Tourism Operations Officer I para malaman ang iba pang detalye.
Bilang pagtalima sa health and safety protocols mula sa National at Local Task Force ang ating Resource Speakers ay ating makakasama sa pamamagitan ng ating virtual zoom platform. Makakaasa rin po kayo na ating susundin ang health and safety measures.
HALINA’T MAKISINING!

 

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 7 8
Users Today : 53
Users Yesterday : 74
Users This Month : 1224
Users This Year : 12577
Total Users : 12578
Views Today : 72
Views Yesterday : 182

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: