Skip to main content

NEW COVID-19 CONFIRMED CASE AS OF OCTOBER 14, 2022 | 6:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE #389 (New)
 Isang 67-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Llavac
 Nakaranas ng mga sintomas tulad ng ubo at pananakit ng dibdib kung kaya’t dinala sa isang health
facility
 Nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-11 ng Oktubre bilang bahagi ng protocol sa pinagdalahang
health facility at lumabas na POSITIBO ang resulta noong ika-13 ng Oktubre
 Kasalukuyang naka-strict isolate at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
 Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya
naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga
tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar;
palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang
panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Official Website of Municipality of Real
error: