Skip to main content

NEW COVID-19 CONFIRMED CASES AS OF OCTOBER 3, 2021 | 6:00 PM

Ang ating bayan ay muling nagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Narito ang mga detalyeng nakalap ng ating Local Contact Tracing Team:
COVID-19 CONFIRMED CASE # 338 (NEW)
• Isang 38-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Tignoan
• Nakaranas ng mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, kawalan ng pang-lasa at pang-amoy, at pang-hihina ng katawan
• Nag-positibo sa COVID-19 Rapid Antigen Test kung kayát nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-1 ng Oktubre bilang bahagi ng confirmatory test at lumabas na POSITIBO ang resulta noong gabi ng ika-2 ng Oktubre
• Kasalukuyang naka-strict isolate at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
COVID-19 CONFIRMED CASE # 339 (NEW)
• Isang 65-taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Kiloloron
• Nakaranas ng mga sintomas tulad ng kawalan ng pang-lasa at pang-amoy, ubo at sipon
• Nag-positibo sa COVID-19 Rapid Antigen Test kung kayát nakuhanan ng RT-PCR test noong ika-1 ng Oktubre bilang bahagi ng confirmatory test at lumabas na POSITIBO ang resulta noong gabi ng ika-2 ng Oktubre
• Kasalukuyang naka-strict isolate at patuloy na mino-monitor ng Municipal Health Office
• Nagsasagawa ng maigting na contact tracing sa mga taong nakasalamuha
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#LetsWinThisTogether

Official Website of Municipality of Real
error: