Oktubre 1, 2021 | Food for Work and Free Haircut for Stevedores

Sa inilatag na programa ng ating butihing Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino sa POPS Caravan, isinagawa ngayong araw ang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating stevedores. Nabigyan din sila ng libreng gupit katuwang ang BAKTOM LGBT Real Organization.
Dito ay sinariwa ni Mayor Bing at ni ng kanyang Kapatid na si Doyle Joel Diestro na naging kapartner ng Punong Bayan sa pamamagitan ng Eagles Club, ang mga plano ng kanilang ama na si dating Mayor at Vice Mayor Joel Amando Diestro para sa Port of Real na kaniyang ipinaglaban ma maging under management ng LGU Real para higit na maprotektahan ang trabaho ng mga hurnal. Kasama na din ang pagtayo ng Fish Port na inilakad ng dating Punong Bayan para mailagay ng pamahalaang nasyonal sa ating bayan.
Binanggit ng Punong Bayan na mahalaga ang kahalagahan ng pagkakaisa ng samahan ng mga stevedores upang magabayan ng pamahalaang bayan upang magkaroon sa lalong madaling panahon ng alternative sustainable source of livelihood.
Dumalo sina Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Kons. Raffy M. Morfe, PPSK Jenra D. Asis-Poblete at iba pang miyembo ng Sangguniang Bayan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 4 0 2 8
Users Today : 43
Users Yesterday : 95
Users This Month : 1160
Users This Year : 24027
Total Users : 24028
Views Today : 130
Views Yesterday : 162

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: