Sa pagtutuwang ng Municipal Gender and Development Focal Point System at Municipal Agriculture Office na pinangungunahan nina Municipal Administrator/MGFPS Focal Person Filomena M. Portales at Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril, ay isinagawa ang Hands on Training on Mushroom Production para sa mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE). Ang pagsasanay ay naisagawa sa mahusay na pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan nina Agricultural Technologist Lylyn Martirez, Bb. Marissa G. Labrador, G. Rene P. Meraña at Bb. Lorna C. Cereneo.
Pinagkalooban din ang mga kalahok na mula sa MOVE ng starter kit para sa mushroom production bilang tulong na mula sa Lokal na Pamahalaan sa pamamahala ng ating butihing Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino.
Ang programa dinaluhan nina Kons. Noime Azcarraga-SB Committee Chairperson on Agriculture, Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Kons. Renmar A. Sollestre, Personal Assistant Amelie A. Peñamante at Punong Barangay Edgardo Quinto Azcarraga at Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines