Oktubre 15, 2021 | Joint Meeting of Local Inter-Agency Task Force (LIATF) on COVID-19 and Incident Management Team (IMT)

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Bing Diestro-Aquino at Incident Commander Ricky A. Poblete-LDRRMO III, kasama sina Dr. Maricris M. Uy-MHO, Benirose Marie V. Talabucon-Tourism Operations Officer I, EnP Rommel A. Poblete-MPDC at ilang miyembro ng LIATF at IMT.
Iniulat ng ating Pambayang Manggagamot ang kalagayan ng ating bayan patungkol sa COVID-19. Sinabi niyang as of October 13, 2021 may kabuuang bilang na 6,111 na ang nabakunahan at 2,911 dito ang fully vaccinated na. Ito ay mula sa mga A1 to A5 categories. Ayon pa sa kanya, may paparating ulit na vaccines at nakapag-request na ulit ng 800 vials pa. Kasunod ng A5 category ay ang natitirang mamamayan na ang mga mababakunahan.
Naghain ng rekomendasyon si Bb. Benirose Talabucon sa kapulungan hinggil sa muling pagbubukas ng gawaing panturismo sa ating bayan, kung ano ang mga activities na puwedeng i-allow at mga requirements na hihingin sa mga manggagaling sa labas ng REINA na may kaparehong kategorya ng quarantine classification ng Real o sa mas maluwag pa. Ito ay iminungkahi ni MPDC Rommel A. Poblete na magpasa ang Local IATF ng isang resolusyon patungkol dito.
Nagharap si IC Ricky A. Poblete ng mungkahing clustering schedule ng pagdalaw ng mga mamamayan sa kanilang yumaong kamag-anak ngayong darating na Undas upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa sementeryo.
Masusing tinalakay din ang iba pang planong dapat isagawa sa mga susunod na linggo bago muling buksan ang turismo at iba pang agendang inihanay upang kanilang mabigyang desisyon.
Sa huli ay iminungkahi ni Mayor Bing na muling magkakaroon ng bukod na pulong na kasama ang mga ang mga apektadong sektor, Punong Barangay at Sangguniang Barangay at upang maipaliwanag din ang gagawing implementasyon ng Kautusang Bayan Blg. ___, T-2021.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 9 3 1 7
Users Today : 91
Users Yesterday : 165
Users This Month : 1568
Users This Year : 23588
Total Users : 49317
Views Today : 204
Views Yesterday : 253

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: