Oktubre 2, 2021 | Send Off and Deployment of Employments of Applicants at NATCORP

Sa inisyatiba ng ating butihing Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino at sa kaniyang adhikaing matulungan ang mga kababayang nawalan at naghahanap ng trabaho ngayong panahon ng pandemya, dalawamput pitong (27) aplikante ang naging mapalad at natulungan ng Lokal na Pamahalaan na makakuha ng trabaho sa pamamagitan ng matagumpay na Local Recruitment Activity kasama ang NATCORP Career Growth and Manpower Services Inc. na isinagawa nitong nakalipas na POPS Caravan. Ito ay sa mahigpit na pakikipag-ugnayan at pangangasiwa ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Ildefonso A. Cleofas, Jr.
Ang send off at deployment sa kanila ay isinagawa ngayong araw at dinaluhan nina Mayor Bing, Municipal Administrator Filomena M. Portales at PESO Manager Ildefonso A. Cleofas, Jr. Sila ay personal na sinundo ng kinatawan ng NATCORP na si G. Gerard R. Banan – Recruitment Officer upang makapagsimula na sa kani-kanilang bagong trabaho.
Taos pusong nagpasalamat ang administrasyon ni Mayor Bing sa NATCORP sa oportunidad na naibigay sa mga kababayang Realeño.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 6
Users Today : 30
Users Yesterday : 119
Users This Month : 932
Users This Year : 12285
Total Users : 12286
Views Today : 52
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: