Oktubre 25, 2021 | Pagtataas ng Bandila

Oktubre 25, 2021 | Pagtataas ng Bandila
Pinasimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyunal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.
Ipinakilala ni PESO Manager Ildefonso A. Cleofas, Jr. ang ilang piling indibidwal na sasailalim sa Government Internship Program sa ilalim ng DOLE na papangasiwaan ng Lokal na Pamahalaan. Sila ay sina Vince Russel S. Sabiduria-BS-Criminology Graduate, Lyra Jane S. Nunag-BSE Graduate, Lyra G. Mendoza-BSE Graduate, Jastine R. Coronacion-BSBA Graduate at Cefrian Peñamante-BSCoE Graduate.
Nag-ulat naman si MENRO Bryan E. Potestades sa mga nangyari sa dinaluhan niyang dalwang linggong seminar tungkol sa Specialized Course on Environmental Law Enforcement. Dito’y ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan at naranasan.
Nag-ulat din si Municipal Administrator Filomena M. Portales sa mga activity ng Lokal na Pamahalaan sa pamamahala ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino noong nakaraang linggo, ilan dito ay ang 3 major activities ng kakatapos na Harvest Festival, Meeting with Atty. Lyssa Pagano regarding Ordinance Implementing Rules and Regulation, Exit Meeting with DILG at iba pa. Gayundin ang mga inaasahang activity ngayong linggong ito, ilan na dito ang 3rd Quarter Tourism Council Meeting, Meeting with TODA and FisherFolks at iba pa.
Nagpasalamat naman si PPSK Jenra D. Asis-Poblete-Special Events Committee Chairperson sa mga tumulong, nakiisa, nagbigay ng donasyon at mga kumilos upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Harvest Festival ng ating bayan.
Nag-ulat naman si Halig Punong Bayan Ronaldo P. Isidro sa mga aktibidad na dinaluhan ng Sangguniang Bayan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

 

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 7
Users Today : 31
Users Yesterday : 119
Users This Month : 933
Users This Year : 12286
Total Users : 12287
Views Today : 53
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: