Ang Lokal na Pamahalaan sa pamamahala ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino, ay naglaan ng programa upang tulungan ang mga kabataang napabilang sa Children in Conflict with the Law (CICL) at Child at Risk (CAR) upang maiayos ang kanilang landas tungo sa pagiging responsable at maayos na mamamayan sa tulong at gabay ng kanilang magulang.
Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang Municipal Gender and Development Focal Point System (MGFPS), Sangguniang Kabataan (SK) at ang Philippine National Police (Real-MPS), isinagawa ngayong araw ang Values Enrichment para sa kanila.
Limang mahahalagang paksa ang ipinaliwanag upang bigyang kamalayan ang mga kabataan ito:
1. Orientation on Juvenile Justice Welfare Act As Amended by 10630
2. Parenting Enhancement Session
3. Values Enrichment for Family
4. Drug Prevention, at
5. Youth Development/Programs for the Youth
Ito ay magkakasamang pagsisikap nina Mayor Bing, MSWDO Leo James M. Portales, Ms. Joy Glorioso-REINA Federation, Ptr. Willie Rivera, Pat Joyce Ann De Asis-WCPD, PPSK Jenra at MGFPS Focal Person/Municipal Administrator Filomena M. Portales.
Ang programa dinaluhan nina Kons. Raffy M. Morfe-SB Committee Vice Chairperson on Youth Welfare and Development/Committee Chaiperson on Social Services, Kons. Amanda Sharon D. Domingo-SB Committee Member on Youth Welfare and Development/Social Services, Kons. Noime L. Azcarraga, ilang SK Chairperson ng iba’t-ibang barangay, at mga kabataang napabilang sa CICL at CAR kasama ang kanilang magulang.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines