Siya po si Ms. Mia R. Combo, OWWA Clerk II, ang nakatalagang OWWA District Officer sa OWWA Help Desk sa ating bayan.
Ang lahat po ng mga kababayan nating OFWs at kanilang kaanak na may concern sa OWWA ay maaari nang makipag-ugnayan sa kaniya, dito mismo sa ating Pamahalaang Bayan. Ang kanila pong Help Desk ay bukas simula Lunes hanggang Biyernes.