
PABATID | (1) Establishment and Institutionalization of Alagang Realeño Kard (ARK) at (2) Php 5,000 Death Benefit to Every Realeños
ANG BAWAT PAMILYANG REALEÑO AY KWALIPIKADO ano mang Social Status mo, Basta ikaw ay lehitimong Realeño.
APRIL 19, 2021: Sinertipikahan ng Punong Bayan, Diana Abigail Diestro-Aquino ngayong araw bilang URGENT, upang maipasa ng Sangguniang Bayan ang Ordinansang magtatalaga ng Alagang Realeño Kard (ARK) para sa lahat ng lehitimong pamilyang Realeño.
(1) Ang Alagang Realeño Kard o ARK ay isa sa mga prayoridad na programa na isinusulong ng Punong Bayan. Ito ay isang Card benefit system para i-promote ang Cashless Transactions sa lahat ng Financial Assistance mula sa Lokal na Pamahalaan.
Ilang mga Financial Assistance na ipapasok sa Alagang Realeño Kard (ARK)
-Iskolarealeño Allowance
-Pa Birthday kay Lolo at Lola
-Cash Gift to All Centenarian Residents
-Medical and Burial Assistance
-Death Indemnity to Elected/Appointed Barangay official/s and Senior Citizens
-Death Benefit to every Realeño
(2) Kasabay nito, ay pinag-uusapan na rin sa level ng Technical Working Group (TWG) ng Alagang Realeño para iindorso sa Committee on Rules and Privileges sa pangunguna ni Kons. Raffy M. Morfe ang programang magbibigay ayuda o Indemnity Claim sa lahat ng kwalipikadong pamilyang Realeño. Sa programang ito ay makakatanggap ng may kabuuang limang-libong piso ( Php 5000.00) sa sinumang pamilyang mamatayan ng kaanak.
Nakapaglaan na ng kaukulang pondo mula sa Tanggapan ng Punong Bayan para sa mga nasabing programa para maisakatuparan na ito bago matapos ang taon.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso