
Paeng Quezon Update
Sa tulong ng MDRRMC at mga BDRRMCs, agarang pagresponde at pag-ikot sa mga barangay ang isinagawa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng MDDRRMC. Ang Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino katuwang sina Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino at MDRRMO OIC-Head Ricky A. Poblete, at MSWDO Leo James M. Portales ay nagtungo sa mga Barangay upang tingnan at alamin ang kalagayan ng ating nga kababayan.
Ibinahagi natin ang raw food items tulad ng bigas at karne para sa bawat Community Kitchen ng barangay bilang pagtugon sa pangangailangan ng evacuees. Naipamahagi na din ang family food packs para sa kanila sa tulong ng DSWD.
Nagpahatid din ng mahalaganag tulong ang ating minamahal na Governor Doktora Helen Tan at PDRRMC para sa mga apektado ng #BagyongPaeng sa pamamagitan ng patuloy na pagmonitor sa ating kalagayan at pagpapadala ng family food packs sa mga barangay.
Patuloy pong isinasagawa ang clearing operations sa ating bayan sa tulong ng lokal na pamahalaan, barangay at mga volunteers.
Nakapagpasa na po tayo ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis Report sa Pamahalaang Panlalawigan. Nagdeklara na rin ng State of Calamity ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Dra. Helen Tan, Vice Governor Third Alcala at mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa kasalukuyan ay umabot na po sa 300Million ang initially asssed damage sa ating lalawigan at mayroon din pong reported casualties sa bayan.
Sisiguruhin ng Lokal na Pamahalaan ang pagtuon sa ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo partikular ang mga nasiraan ng bahay, pananim at mga nawalan ng hanapbuhay. Limitado man po ang ating resources ay hindi po tayo titigil sa paggawa ng paraan na maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.
Tayo po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sa atin ay tumulong upang maayos nating maitawid ang kalamidad na ito. Sa Provincial Government sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, sa mga Uniformed Personnel, ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Doyle Diestro, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), BFP Real, Provincial BFP, Coast Guard, Philippine Army, PNP, 4th Platoon 1st QPMFC,GSO, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at mga opisyales at volunteers sa mga Barangay.
Ang lahat ay pinapaalalahanan na umantabay sa mga anunsiyo ng Lokal na Pamahalaan upang malaman kung ano na ang estado ng ating Bayan kaugnay sa nagdaang #BagyongPaeng.
#GodBlessReal
#AksyonDiretso