Skip to main content

Pagdiriwang ng Annual Harvest Festival 2022

Upang mapalakas pa ang mga mangingisda sa ating bayan, naging tampok din sila sa pagdiriwang ng Annual Harvest Festival 2022. Ang Lokal na Pamahalaan sa pangangasiwa ng masisipag na kawani ng Municipal Agriculture Office, ay nagsagawa ng Fish Catch Competition sa mga rehistradong mangingisda na may rehistradong bangka. Ito ay nilahukan ng sampu nating kababayang mangingisda mula sa Poblacion 1, Poblacion 61 at Barangay Ungos na kung saan sila ay nagpabigatan ng timbang ng mga huli nilang isda. Tumanggap ng Limang Libong Piso ang may pinakamabigat na huli, Tatlong Libong Piso, ang pumangalawa, Dalawang Libong Piso, ang pangatlo, Isan Libo at Limang Daang Piso ang, pang-apat at Isanlibong Piso ang panlima. Nakatanggap din ng consolation prize ang iba na nagkakahalagang Limang Daang Piso. Naging posible ang kumpetisyong ito dahil sa suporta ng mga namumuno sa ating bayan sa pangunguna ni Mayor Bing Diestro-Aquino, at Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro. Personal din itong dinaluhan ng ating Punong Bayan kasama sina Kons. Jenra Asis-Poblete-Chaiperson, Committee on Agriculture and Fishieries, Kons. Julie Ann O. Macasaet, Kons. Amelia A. Peñamante, Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino, at ang ating Tourism Operations Officer I Benirose Marie V. Talabucon. Dito ay kanilang ipinaalaala ang mga responsibilidad na kaakibat sa pangingisda at binanggit ding tinitingnan na posibleng maging isang tourist attraction ang fishing, at iba pang gawain na kung saan ay magiging katuwang ang kanilang samahan. Mabuhay ang mga mangingisdang Realeño!
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »

Latest Articles

World Tourism Month 2023

LGU Family Day

Official Website of Municipality of Real
error: