Pagtataas ng Bandila – MGC | Enero 4, 2021 – Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang pagtataas ng bandila. Kasama rin si Fr. Sunny B. Quejada na siyang nagbahagi ng Salita ng Panginoon.

Kasunod nito ang pagkilala at pagwelcome sa bagong miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si FO1 Jestoni M Pusancho. Nag-ulat at nag paalala si Plt. Rolando Eclarin (PNP) tungkol sa pagpapatupad at pagmomonitor ng kampanya kaugnay sa pagsusuot ng facemask at faceshield gayundin ang pag mamaneho ng walang lisensya.

Nagbahagi din ang ating Municipal Administrator Filomena M. Portales sa mga accomplishment, mga naidaos na programa at ang mga nakatakdang gawain at aktibidad ng ating pamahalaan. Ipinakita din niya ang parangal na nakamit ng MGADFPS Real bilang First Runner Up sa ilalim ng First Class LGU Category sa isinagawang Annual Search for Outstanding Municipal GAD Focal Point System (MGADFPS) sa buong Lalawigan ng Quezon.

Nagpahayag at naghatid ng pabati ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa kanyang mensahe para sa mga kawani ng pamahalaan. Gayundin ang pagpapaalala at paghikayat na gampanan ng may ngiti at pagpapahalaga ang mga tungkulin ng bawat isa.
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 3 6 9 5
Users Today : 59
Users Yesterday : 117
Users This Month : 827
Users This Year : 23694
Total Users : 23695
Views Today : 76
Views Yesterday : 211

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: