
Palay-Aralan: Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid Graduation
Dumalo sa graduation via zoom ang ating mga kababayang magsasaka mula sa Samahan ng Magsasaka at Mangingisda sa Barangay Cawayan (SMMBC) na sumailalim sa pag-aaral online sa pamamagitan ng School-on-the-Air on Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) na ipinatutupad ng Agricultural Training Institute (ATI) Regional Training Centers, sa pakikipag-ugnayan sa DA-Regional Field Offices (RFO) sa programang Palay-Aralan Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid. Ang programa ay dinaluhan ng ating mga kababayan mula pa noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Ang SOA-SRA ay naglalayon na pasiglahin ang modernisasyon ng agrikultura sa pamamagitan ng malawakan at patuloy na edukasyon ng mga maliliit na magsasaka.
Ang Palay-Aralan na ito ay pinangasiwaan ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute Region IV-A, Trece Martires City, Cavite, na dinaluhan din ng iba pang munisipalidad sa buong CALARBAZON. Nakasama nila online sina Acting Provincial Agriculturist-Ma. Leonellie G. Dimalaluan-Quezon at Project Officer SOA-SRA Maridelle Jaurique bilang Tagapagpadaloy ng Programa, at katuwang sa pangangasiwa ang ating Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril.
Ang mga nagsipagtapos ay magiging kaagapay ng ating pamahalaan sa pagpapalaganap ng kaalaman kanilang natutunan sa iba pa nating mga kababayang nasa sektor ng pagsasaka.
Congratulations po sa inyong lahat, mga masisipag naming kababayan.
Barangay Cawayan
Oktubre 28, 2021
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso