Panuntunan sa Pagdaraos ng Undas 2021

Please share | Panuntunan sa Pagdaraos ng Undas 2021
Ayon sa nilagdaang Atas Tagapagpaganap Blg. 039 Taong 2021 ni Mayor Bing Diestro-Aquino, ang mga sumusunod ay kailangang sundin ngayong Undas 2021:
ISKEDYUL NG PAGPUNTA SA SEMENTERYO:
Oktubre 26 – Malapad, Lubayat, Pandan, Poblacion 1
Oktubre 27 – Tanauan, Maragondon, Llavac, Maunlad, Bagong Silang, Masikap
Oktubre 28 – Tignoan, Capalong, Kiloloron, Tagumpay, Cawayan
Oktubre 29 – Poblacion 61, Ungos
Oktubre 30-Nobyembre 2 SARADO
Nobyembre 3 – Malapad, Lubayat, Pandan, Poblacion 1
Nobyembre 4 – Tanauan, Maragondon, Llavac, Maunlad, Bagong Silang, Masikap
Nobyembre 5 – Tignoan, Capalong, Kiloloron, Tagumpay, Cawayan
Nobyembre 6 – Poblacion 61, Ungos
Tanging may edad na 12 hanggang 65 taong gulang lamang ang pinapahintulutan. Hindi pinapayagan ang edad 11 pababa at higit sa 65 taong gulang. Gayundin, yaong may mga karamdaman at buntis.
Ang mga sementeryo ay bukas lamang simula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Inaasahan sa lahat ng dadalaw na susunod sa public health protocols.
IPINAGBABAWAL:
Ang pagbebenta, paggamit o pag-inom ng alak o anumang inuming nakalalasing sa loob ng sementeryo. Ipnagbabawal din ang pagdadala ng pagkain sa loob ng sementeryo. Ipinagbabawal din ang pagdadala ng mga malalakas na panugtog.
Gayundin ang paglalagay ng mobile store upang magtinda ng kahit na anong uri ng produkto sa loob ng sementeryo, maging sa pasukan/labasan nito.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

  

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 1 7
Users Today : 16
Users Yesterday : 54
Users This Month : 663
Users This Year : 12016
Total Users : 12017
Views Today : 48
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: