Dumalo ang ilang kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Real sa ginanap na Partnerships Forum: Resource Mobilization and Partnerships Development sa pangunguna ng Haribon Foundation Women Go Project noong nakaraang October 6, 2022 sa Malachi Hotel and Resort sa Infanta, Quezon.
Ang layunin ng programang ito ay mabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang samahan ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at KUMARE Inc. sa bayan ng Real, Infanta at General Nakar upang ilahad ang kanilang mga planong livelihood projects. Sa bayan ng Real ang mga napiling samahan ay Real Women’s Federation kung saan ang kanilang negosyo ay paggawa ng tablea, KALIPI Cawayan ay paggawa ng Salay Tea at Juice samantalang ang KALIPI Tanauan naman ay organic vegetables and herbs production.
Bukod sa mga lokal na opisyal ay dumalo rin ang iba’t ibang sangay ng National Government Agencies, Academe and Civil Society Organizations na maaaring makapagbigay tulong sa mga nasabing samahan. Ipinaabot din ng ating mahal na Punong Bayan Mayor Diana Abigail Diestro-Aquino ang pagsuporta sa mga samahan ng kababaihan sa bayan ng Real.
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines