Skip to main content

Patuloy ang pag-monitor ni Mayor Bing Diestro-Aquino sa update sa track ng Typhoon “Jolina”

Setyembre 8, 2021 as of 12:00AM:
Patuloy ang pag-monitor ni Mayor Bing Diestro-Aquino sa update sa track ng Typhoon “Jolina”. Nagbigay ng briefer si G. Ricky Poblete, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head sa kasalukuyang galaw ng bagyo at sa mga posibilidad na landfall nito sa Quezon.
Sa pamamagitan ng High definition CCTV Cameras at paggamit ng PUBLIC ADDRESS SYSTEM na naka install sa ibat-ibang lugar sa ating bayan ay mas napapadaling mamonitor ang lagay ng sitwasyon sa panahon ng kalamidad lalo’t higit sa bagyo o iba pang uri ng Emergency Response.
Sa atas ng Punong Bayan, mananatili pong gising 24 oras ang ating Team ng Emergency Responder upang bantayan ang lagay ng panahon at umalalay sa ating mga kababayan kung kinakailangan.
nakaantabay din ang ibat-ibang Tanggapan gaya ng MSWD, GSO, MENRO at Municipal Engineering Office para sa pag responde sa magiging epekto ng bagyo.
Mangyari po lamang Tumawag o magmessage sa ating Municipal Action Center 24 Hours sa ating MAC HOTLINE 0999-929-4247 o (042) 331-1444.
Manatiling Ligtas po tayong lahat mga kababayan.
God bless Real!
#KeepDry&KeepSafe
#TyphoonJolina
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: