
Pebrero 03, 2021 | Local Inter-Agency Task Force Against COVID-19 and Incident Management Joint Meeting
Nagkaroon ng sabayang pagpupulong ang Local Inter-Agency Task Force against COVID-19 at Incident Management Team sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Bing Diestro Aquino at Incident Commander Ricky Poblete – LDRRMO III, kasama sila Dra. Maricris M. Uy – MHO, Benirose V. Talabucon – Tourism Operations Officer I, EnP Rommel A. Poblete – MPDC at SK Federation. Dito ay tinalakay ang mga sumusunod na agenda:
1. Updates from Medical Services Section
2. COVID-19 Vaccination
3. Age restrictions in tourism related activities
4. Observations and recommendations of Tourism Monitoring Team
5. Opening of LGU for intra/inter-provincial PUV routes
6. Request of SK federations regarding basketball
7. Other matters
Ayon kay Dra. Maricris M. Uy, sa guidelines mula sa Department of Health (DOH) para COVID-19 Vaccine ay may tatlong (3) grupo ang babakunahan batay sa prioritization.
Group A: Frontliner health workers, Indigent senior citizen, Remaining senior citizen, Remaining indigent citizen, Uniformed personnel
Group B: Teachers and social workers, other government workers, other essential workers, socio-demographic group at significantly higher risk, OFW, other remaining workforce group
C: All remaining Filipino citizen
Binigyang diin ni Dra. Uy, na ang bakuna ay hindi dapat ipagkait o pigilan. Aniya, ito ay dapat magamit ng lahat maging mahirap o mayaman na bansa, na ang lahat ay dapat mabigyan ng bakuna. Sinabi niyang sa kabilang banda, ito ay voluntary at hindi mandatory.
Tinalakay ni Bb. Benirose Marie V. Talabucon ang patungkol sa bagong inilabas na memorandum mula sa Department of Tourism Region IV-A na naglalahad nang pagbabawal ng pagtanggap ng mga turista na nabibilang sa edad na below 15 years old at above 65 years old. Binigyang diin din dito ang mahigpit na pagsasagawa ng inspection at monitoring sa mga panturismong establisimyento na walang kaukulang Busines Permit mula sa Pamahalaang Bayan, gayundin ang pagsunod sa mga health and safety protocols ng mga resort/ tourism establishment operators. Kaugnay nito, iminungkahi ng Incident Commander na G. Ricky A. Poblete na magkaroon ng Local IATF Resolution patungkol sa hindi pagpapahintulot nang pagpapasok sa mga turista sa mga establisimyentong walang Business Permit at Authority to Operate.
Ipinabatid naman sa kapulungan ni EnP Rommel A. Poblete-MPDC, ang plano mula sa Office of the Provincial Planning and Development Coordinator kaugnay ng muling pagbubukas ng mga intra/inter- public utility vehicle (PUV) routes sa ating lalawigan. Isinusog na rin niya na muling pag-usapan ang tungkol sa pick-up at drop-off points sa ating bayan at mabigyang linaw ang travel requirements sa mga pinapahintulutang mamamayan na makapaglakbay sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon.
Sa ngayon ay hindi pa pinahintulutan ang kahilingan ng mga kabataan dahil wala pang guidelines na inilalabas ang national IATF hinggil dito. Gayumpaman, ayon sa kanila ay ipaparating ang kanilang kahilingan sa pamahalaang panlalawigan.
Sa huli ay iminungkahi ni Mayor Bing Diestro-Aquino na muling magkaroon ng pulong sa susunod na linggo at ayon sa kaniya, ay makag-usap na ang mga bawat komitiba kaugnay sa mga tinalakay sa kapulungang ito bago pa man maganap ang muling magtipon ng buong kapulungan.