Nag launch ng 17th National Oral Health Month na may temang “Enhancing Smiles Across the Miles” ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dra. Maricris M. Uy sa pamamagitan ng ating Municipal Dentist na si Dra. Maria Mercedes C. Leynes kasama sina Gng. Miriam O. Quinto-Dental Aide at Gng. Adelaida R. Rivera-Midwife para sa mga taga Brgy. Llavac, Brgy. Bagong Silang at Brgy. Maunlad.
Dito tinalakay ni Dra. Leynes ang programang “Orally Fit Child Dental Health Program”. Kung saan inisa-isa niya ang tamang paraan ng pangangalaga sa bibig at ngipin ng bata mula sa pagsilang hanggang sa pagtubo o paglabas ng mga permanent teeth nito. Tinuro din niya ang wastong pagsesepilyo upang mapanatiling malusog ang bibig at mga ngipin. Nagsagawa din ng oral check-up para sa mga bata at mga inang nagdadalang tao mula sa tatlong barangay. Namigay sila ng mga toothbrush at toothpaste para sa mga nasabing barangay.
Tinalakay naman ni Gng. Adelaida R. Rivera ang Q1K o Quezon First-1000 days of Life Program. Ito ay programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na naglalayong matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan, pagkain at nutrisyon, at pangangalagang panglipunan ng isang bata simula sa sinapupunan hanggang sa kanyang ikalawang taong gulang.