Pebrero 15, 2021 | Pagtataas ng Bandila

Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sinimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan at nagbahagi si Ptra. Regine Ortillano ng Mabuting Balita mula sa aklat ng Mga Kawikaan 4:23 “Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.” Dito nag-iwan siya ng tatlong puntos/paraan para mapalakas at maingatan ang ating puso at ito ay pinamagatang Strengthening the Heart. Una guard your heart, pangalawa take good care of your heart at pangatlo give your heart to God.
Saksi ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, nanumpa para sa kani-kanilang katungkulan kay Mayor Bing Diestro-Aquino ang mga bagong hirang na sina Analyn P. Corrales bilang Local Revenue Collection Officer I, Gng. Fe P. Coralde bilang Disbursing Officer I at Gng. Cyrile G. Villamanto bilang Local Assessment Operations Officer I.
Ipinakilala din si Bb. Jay Ann V. Amizol bilang Acting Election Officer, sinabi niyang sila Pebrero 15, 2021, maaari nang magparehistro simula Martes hanggang Sabado, alas 8:00 am hanggang 5:00 pm. Kailangan lang magdala ng sariling ballpen at valid ID na makapagpapatunay na ang may-ari nito ay taga Real.
Nag-ulat din ang ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino sa mga accomplishment, pagpupulong at mga aktibidad na na-isagawa nitong nakalipas na linggo. Gayundin ang mga nakatakdang aktibidad ng ating ng ating pamahalaan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 7 7
Users Today : 52
Users Yesterday : 74
Users This Month : 1223
Users This Year : 12576
Total Users : 12577
Views Today : 71
Views Yesterday : 182

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: