
Pebrero 23 2021 | Organizational Development/Fisherfolk Empowerment Program
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating minamahal na Gobernador Danilo E. Suarez at sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAgO) at sa partisipasyon ng ating Halig Punong Bayan Joel Amando A. Diestro ay pinulong ang Samahan ng mga Magpapalaisdaan ng Barangay Cawayan.Layon ng pagpupulong na maisaayos at mapaunlad ang samahan upang mapalakas ang produksyon ng isda sa ating bayan. Si Bb. Carla L. Sales-Cooperative Development Specialist 2 (OPA) ang naging Tagapagsalita. Dito ay tinalakay at ipinaliwanag niya sa mga myembro ang mga istratehiya at kung paano mga hakbang na dapat gawin sa pagsisimula at pagpapatakbo ng isang organisayson.
Mabuhay ang mga mangingisdang Realeño!