
Pebrero 23, 2021 | Philippine Dental Health Month
Bilang pakikiisa sa nabanggit na pagdiriwang at sa tuluy-tuloy na pagbibigay ng pangkalusugang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan, ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dra. Maricris M. Uy, sa pamamagitan ng ating Municipal Dentist na si Dra. Maria Mercedes C. Leynes, kasama sina Gng. Miriam O. Quinto-Dental Aide, katuwang ang Q1K Coordinator na si Midwife Adelaida R. Rivera, ay nagtungo sa Barangay Tignoan. Doon ay nagsagawa sila ng konsultasyon at ng pagtalakay ng basic oral health at infants oral health care, at nagbigay din ng payo hinggil sa exclusive breastfeeding.