Tinungo ng Validation Team ang mga natukoy na pampublikong daanan upang suriin ang naging pagtalima ng Lokal na Pamahalaan sa mandato ng Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa road clearing project.
Ito ay binubuo nina MLGOO Alely P. Ditalo ng Gen. Nakar kasama sina PSSg Edilberto A Mañola, FInsp Teoderico G Garcia at Bernardo A. Villaruel-CSO.
Matatandaang ang road clearing operations ay isinagawa sa ating bayan sa pangunguna nina MLGOO Ann Maureen D. Gumboc at Assistant Municipal Engr. William L. Lucero, kasama ang mga kawani ng Municipal Engineering Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Traffic Enforcer, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal General Services Office,GSO at mga Barangay Police ng Poblacion 1, Poblacion 61, at Ungos. Sila rin ang grupong nakasama ng Validation Team pagtungo sa mga nasabing area.
Ang isinagawang Validation ay sinundan ng Exit Conference kasama si Mayor Bing Diestro-Aquino at dito ay napag-usapan ang naging maayos na resulta ng assessment ng Validation Team, ilang komento at karagdagang dokumento ang hinihiling ni MLGOO Ditalo.
Sa ngalan ng pamahalaang nasyonal at pamahalaang panlalawigan, ang Lokal na Pamahalaan ay lubos na umaasa sa patuloy na pagsunod ng mga mamamayan sa naturang mandato.
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines