
Pebrero 25, 2021 ay Itinalagang isang Special Non-Working Holiday.
Alinsunod sa Proclamation No. 986, ang Pebrero 25, 2021 ay itinalagang isang special non-working holiday. Ito ay bilang paggunita sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas nang magkaroon ng mapayapang pag-aalsa laban sa diktaturyang pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong taong 1986 na tinaguriang People Power Revolution o EDSA Revolution.