Skip to main content

Pebrero 5, 2021 | KALIPI REAL WOMEN’S FEDERATION

Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw ang Real KALIPI Women’s Federation sa pamamahala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni G. Leo James Portales-MSWDO.Dito ay nagbigay ng feedback ang mga kinatawan ng pederasyon ng bawat barangay kaugnay sa mga ginawang oryentasyon patungkol sa KALIPI Real Women’s Federation sa kani-kanilang barangay. Nagbigay naman update si Ms. Kyle Buerano, kinatawan ng HARIBON Foundation baranggay level, tungkol sa mga reorganization ng samahan sa bawat barangay. Nag-update din si Sis. Ofelia De La Torre sa ginagawang preparasyon para sa accreditation ng pederasyon sa Sangguniang Bayan.0
Tinalakay din dito ang mga maaaring livelihood programs at mga planong pinansyal para sa taong 2021.

Official Website of Municipality of Real
error: