Skip to main content

Pebrero 8, 2021 | Deployment of LONG ARM HYDRAULIC EXCAVATOR for Solid Waste Manangement/ Sanitary Landfill Operations

Sa pamamahala ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni G. Bryan Potestades-MENRO kasama ang ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino, Halig Puong Bayan Joel Amando Diestro at PPSK Jenra D. Asis-SB Chair, Committee on Environment, idinaos ang deployment ng long arm excavator na gagagmitin para sa solid waste management sa ating sanitary landfill.
Ang proyektong ito ay kasama sa 10-year Solid Waste Management Plan na kung saan nakapaloob ang pagkakaroon kagamitan para sa maayos na segregation at maayos na disposal ng ating mga basura sa landfill. Ang ating Landfill Operation ay patuloy na iminomonitor ng mga national agencies kung napapanatiling maayos at angkop ang pagpapatakbo nito.
Ayon sa ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino, isa ang proyektong ito sa pinakamalaking investments ng ating Lokal na Pamahalaan, at sa pamamagitan ng ganitong mga investment ay naipapakita sa taong bayan na tinutupad ng pamahalaang bayan ang mga napapag-usapang development programs. Sinabi niyang ito ay kasama sa 2020 20% Development Fund. Aniya pa, ang ating bayan ay isa sa siyam (9) na mapalad na naaprubahan ang Ten-Year Solid Waste Manangement Plan. Isa lamang ito sa maraming investment ng pamahalaan na may kinalaman sa ating kalikasan.
Sinabi ni PPSK Jenra D. Asis na kung sinuman ang maatasang gagamit nito, sana ay ito ay ingatan at pagyamanin para mas lalo itong tumagal at mapakinabangan. Pinuri naman ni Halig Punong Bayan Joel Amando A. Diestro si MENRO Bryan Potestades sa kaniyang mga maayos na pagkagawa ng solid waste management plan.

Official Website of Municipality of Real
error: