Personal na bumisita si Mayor Bing Diestro-Aquino sa Tanggapan ng Department of Agriculture

Setyembre 10, 2021
Personal na bumisita si Mayor Bing Diestro-Aquino kasama si Administrative officer Ejeel V. Regado sa Tanggapan ng Department of Agriculture para personal na makapulong sina ENGR. ARNEL V. DE MESA, CESO IV, Assistant Secretary for operations
At G. Dennis R. Arpia, OIC-Regional Technical Director for operations – Regional Field Office IV-A.
Napag-usapan sa pagpupulong ang mga programa at proyektong pang-Agrikultura na malaking maitutulong sa bayan ng Real, lalo na at malaking bahagi ng pangkabuhayan sa ating bayan ay may kinalaman sa industriya ng pagsasaka at pangingisda.
Ilan sa mga nilakad ng Punong Bayan ay ang hiling ng lokal na Pamahalaan na mapondohan ang mga proyektong mga sumusunod;
1. Farm to Market Roads (FMR)
2. Access Roads
3. Establishment of Agricultural & Aqua-Demo Farm at Barangay Malapad Real, Quezon.
4. Construction of Agricultural Trading Post at Barangay Cawayan Real, Quezon.
5. Construction of Fish landing Center at Pob. 1 , Tignoan and Lubayat Real, Quezon.
Patuloy ang pagsusumikap ng Punong Bayan na makipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya ng Pamahalaan upang maisakatuparan ang mga proyekto at programang magpapataas ng antas ng kabuhayan ng ating mga kababayan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#AksyonDiretso
#GodBlessReal

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 6
Users Today : 30
Users Yesterday : 119
Users This Month : 932
Users This Year : 12285
Total Users : 12286
Views Today : 52
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: