Skip to main content

Please share | Maging Isang Safety Seal Certified na Esblisimyento

Ang SAFETY SEAL CERTIFICATION PROGRAM ay inlilunsad upang masiguro na ang mga pribado o pampublikong establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standards na itinalaga ng gobyerno, at humihikayat na gamitin ang StaySafe.ph digital contract tracing application na nakaugnay sa COVID-19 testing laboratories ng bansa, at maitaas ang kumpiyansa ng mga konsyumer na sila ay ligtas sa muling pagbubukas ng ekonomiya.
Ano ang SAFETY SEAL CERTIFICATION?
Ito ay katunayan na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standards na itinalaga ng gobyerno. Ang Safety Seal ay ipapaskil na maliwanag at kapansin-pansin sa mga entrance ayon sa itinakdang sukat. Wala itong bayad at may validity na anim (6) na buwan maliban sa naisyu sa mga tourism establishments na may validity na isang (1) taon, at maaaring ma-renew isang buwan bago ito mag-expire.
Mga establisimyentong required na magkaroon ng Safety Seal Certification:
– Palengke / Talipapa
– Mga tindahan
– Mga kainan
– Bangko, money changers, pawnshops, remittance centers
– Car wash
– Laundry service centers
– Art galleries, libraries, museums, zoo
– Sports Centers
– Gyms
– Spas
– Iba pang mga pribadong establisimyento

Official Website of Municipality of Real
error: