Skip to main content

Praying for your fast recovery

Mga kababayan,
On my 3rd RTC PCR Test, I tested positive. My husband and I are currently confined.
Rainier was admitted last Saturday due to severe covid. But thank God, he is recovering very well and his oxygen supplement was already decreased. Ako naman po, my first two RT-PCR tests yielded negative results. However, just last Sunday, I had fever, cough, muscle pain, and later, I also developed back pain and slight heaviness in the chest area. I requested for another RT PCR test yesterday and I got the result today. Kakaiba din po talaga ang nangyari. Bago pa lumabas ang resulta ng 3rd test, pinayuhan na ako ng Doctor na magpaconfine para maagapan at di matulad sa aking asawa na nagka pnuemonia. I think this is a different and stronger strain. As to how and where we were exposed, we cannot say for certain sa dami pong exposure dala ng trabaho.
Kaya bagamat marami ng activities, lalo na economic activities, ang pinahintulutan sa pamamagitan ng national IATF, ingatan po ang pamilya. Nakikita natin sa balita ang biglang pagtaas ng covid cases sa ating bansa lalo na po sa Metro Manila. Nagkakaroon na po ng tinatawag ng mga eksperto na “clustering” o mabilis na pagkahawa ng pamilya at iba pang direct contacts. Ipagpaliban muna ang mga aktibidades na makakapagpa-expose sa virus, lalo na ang mga umpukan.
Ang asawa ko po ay walang comorbidity, malakas ang katawan at di namin akalain na maging severe covid case. Kaya kahit bata man o matanda, hindi po exempted dito. Mapalad po ang mga naging asymptomatic at mild cases lamang. Napakahirap po ng naranasan ng aking asawa at sana hindi ko din iyon maranasan at ng iba pa nating mga kababayan.
Sa mga kababayan natin na minsan mismong ako nakakarinig na hindi naniniwala sa covid (minsan mga kasama pa natin sa gobyerno, minsan po head din ng mga samahan) – TOTOO PO NA MAY COVID. Paulit-ulit po tayo. At hindi na kailangan pa ng panibagong severe case lalo sa inyong mga kani-kaniyang pamilya, lalo na sa mga mahihirap nating nga kababayan.
The workforce of the municipal government and our uniformed personnel will never be enough. Inaasahan ko po ang disiplina at pangunguna sa pagpapatupad ng health protocols ng ating mga Barangay Officials at mga Head of the Households. May mga dagdag po tayong practical measures na aking iniatas na ipatupad sa pamamagitan ng ating local iatf sa tulong ng mga Brgy. Contact tracing is ongoing. Our other covid positive cases are being attended to by our health workers. Please pray for their immediate recovery.
Also ongoing po ang Pre-registration natin para sa Vaccine na magmumula sa National Government. Maging willing po sana ang karamihan. Kapag may nararamdaman, hindi po kaartehan na magkonsulta para maagapan. Mas maagap mas maiiwasan ang severe covid. Kahit maingat, mas mag-ingat po.
Ito na po muna sa ngayon. Pasensya na po humaba at di ako masyado makapag update sa dami ng nangyari. Try ko po pala mag-VLOG. Lol. Joke lang. Di ako marunong.
Thank you for your prayers, especially for my husband, bumubuti na po ang kanyang pakiramdam. Thank you din sa mababait at mahuhusay na Doctors, health workers at iba pang mga kasama na tumutulong sa amin ngayon. We will get through this soon. For now magpapahinga laang po saglit si Mayor Bing para makabalik na agad sa outside world, makapagtrabaho na ng normal, at mayakap si Rainier at Liv-Liv.

Official Website of Municipality of Real
error: