Skip to main content

PRESENTATION OF LANDBANK LINK.BIZPORTAL

Bilang pagsuporta ng Land Bank of the Philippines-Real Branch sa Lokal na Pamahalaan ay ipinakita at ipinakilala ang “LandBank Link. BizPortal” sa mga kinatawan nito. Ito ay naglalayong mas mapabilis at mapadali ang transaksyon ng pagbabayad sa may mga negosyo at ari-arian sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng Link.BizPortal ay mayroon silang karapatang pumili upang direktang makapagbayad kahit hindi na mismo pumunta sa Lokal na Pamahalaan. Dito ay ipinaliwanag din nila ang mga features at benefits ng nasabing portal.
Pinangunahan ito ni LandBank-Real Branch Head Elizabeth L. Jalotjot at LBP Staff Rose Ann T. Poblete at dinaluhan nina Administrative Officer I Ejeel A. Regado at Executive Assistant Claudine P. Santos bilang representative ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino kasama ang Local Finance Board.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: