Masayang nagdaos ng General Assembly ang mga miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines sa pangangasiwa ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development sa pangunguna ni MSWDO Leo James Portales.
Dito ay nagsagawa ng Orientation sa Gabay Kabataan sa pangunguna ng Program Officers, REINA Federation staff na sina Niel Astrera at Joy A. Glorioso, at ng Orientation sa PYAP sa pamamagitan ni SWO I Larrylyn S. Crisostomo. Nagkaroon din ng Election sa PYAP Representatives per Barangay na pinangunahan ni PYAP Gabay Kabataan President Ramiline Resplandor.