
Quezon IATF Meeting
Sa patawag ni Gov. Danilo E. Suarez, Chairperson ng Quezon Provincial Inter-Agency Task Force, dumalo si Mayor Bing Diestro-Aquino sa pagpupulong via zoom, kasama sina Incident Commander Ricky A. Poblete, PLT Jose Wennie T Tayactac, OIC Chief, Real MPS, Municipal Administrator Filomena M. Portales, Administrative Officer Ejeel V. Regado at Tourism Operations Officer Benirose Marie V. Talabucon.
Ito ay bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa ating lalawigan.
Hiningi ni Gov. Danny ang opinyon ng mga punong bayan ukol sa reclassification ng community quarantine ng lalawigan. Ang pamahalaang panlalawigan ay nakatakdang maglalabas ng mga bagong guidelines ukol sa napagtibay na desisyon.
#SerbisyongSuarez
#GodBlessReal
#AksyonDiretso