Skip to main content

Real Wind Energy Project, Inilalatag na

Isinagawa kahapon, Setyembre 13, ang public consultation sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Real, Quezon, ilang mga kinatawan ng Real Wind Energy at Apercu Consultant, Inc. tungkol sa proyektong Real Wind Energy.
Tinalakay sa pagpupulong ang proyektong 250MW Real Wind Energy kung saan ipinaliwanag ng grupong Real Wind Energy ang dalawang phases na bubuo sa proyekto.
Ang unang phase ay mayroong 45MW na nakalaan sa Barangay Kiloloron, Capalong at Tagumpay.
Samantala ang ikalawang phase naman ay nakalaan sa Barangay Tignoa, Tagumpay, Tanuan, Malapad, Lubayat, Llavac, Bagong Silang at Maragondon ay mayroong 205MW.
Ayon sa grupo, tinatayang nasa 58 wind turbine generators ang itatayo sa 5, 670 ektaryang lupa gagamitin para sa proyekto.
Dagdag pa nila, ang konstruksyon, komisyon at grid connection para sa Phase 1 ay inaasahang magsisimula sa 2023 habang sa 2024 pa ang target para sa Phase 2.
Tinalakay din sa pagpupulong ang pagkakaroon ng Environmental Impact Assessment (EIA) para sa nasabing proyekto.
Ani nila, ito ay ang proseso kung saan kinakailangang pag-aralan ang mga posibleng epekto ng Real Wind Energy project sa kapaligiran at sa mga tao.
Isa ito sa requirement upang makakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang proyektong ito ay pagmamay-ari ng Real Wind Energy, Inc. Joint Venture ng Maraj Energy Development at Modern Energy Management Pte. Ltd.
Source: Municipality of Real – Aksyon Diretso
📷 Energy Central (file photo)
#GoPhilippines
#GoQuezon
#Real

Latest Articles

World Tourism Month 2023

LGU Family Day

Official Website of Municipality of Real
error: