Nagsagawa ng REINA – Infrastructure Connectivity Plan Finalization Meeting ang core group sa pangangasiwa ng NEDA Region IV-A at Regional Development Council sa Calamba City, Laguna sa pamamagitan ng Batangas State University sa pangunguna ni Dr. Cristina Rosales. Layunin ng pagpupulong na matalakay, makuha ang importanteng impormasyon at datos ng mga programa at proyekto na magiging bahagi ng REINA-ICP (Infrastructure Connectivity Plan) – na sinuri batay sa SHARP Development Framework – Sustainable Economy, Healthy Environment, Accessible Services, Resilient Community and Proactive Stakeholders.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ni RDC Vice Chairperson Director Luis G. Banua, ng mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Gen. Nakar, Pamahalaang Panlalawigan, at mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan na sina Municipal Administrator Filomena M. Portales, MPDC Rommel A. Poblete, Municipal Engineer William L. Lucero, TOO I Benirose Marie V. Talabucon at Building Inspector Engr. Wincel Harvard F. Obenita. Naging katuwang sa gawaing ito ang ilang pangunahing ahensya tulad ng DILG, DPWH, LTFRB, DICT, DA at iba.