
RT PCR TEST RESULT
Magandang umaga po mga kababayan.
Kagabi ay nalaman na po ang resulta ng RT PCR test namin at mabuti naman po at naging negatibo ang resulta para sa akin at isa pang kaanak, ngunit nakakalungkot po na may isang nagpositibo – ang aking asawa. Pareho po kaming nakaranas ng mga sintomas at sabay din na nag-isolate. Talaga pong nangyayari pala na magkaiba ng resulta.
Makalipas ang ilang araw magsasagawa po ng panibagong test sa akin, sa aming anak at kaanak, at ilan pa sa direktang nakasalamuha ng aking asawa bilang resulta ng gagawing contact tracing para sa case ng aking asawa. Sa kasalukuyan po dahil gabi na po namin nalaman, agad po syang nailipat sa isang isolation room at ililipat siya sa separate isolation building. Kami naman po ay patuloy pa din ang quarantine bilang direct contacts.
Tinitiyak po ang pagsunod sa strict health protocols, lalo na at may comorbidity ang ilang kasama namin sa bahay. Generally, thank God, ok naman po ang kalagayan ng aking asawa, masayahin pa din, maliban sa pananakit ng katawan at kaunting ubo.
To avoid further spread, pansamantala po munang hinihiling namin na ang lahat po na kailangan ng assistance mula po sa aming pamilya ay tumungo na lamang po muna sa ating munisipyo, sa Tanggapan ng Punong Bayan, para sa anumang pangangailangan. Naibilin ko na po ito sa ating mga kasama sa opisina at tiyak po na kayo ay maasistehan. Kapag emergency cases naman po tumawag o magtext lamang kayo sa ating Aksyon Diretso 24/7 Hotline 09999294247 at agad din po kayong rerespondehan. Tuloy pa din po ang ating trabaho virtually and thru other safe means of communication.
Kailangan ko po itong ibahagi dahil alam ko pong hahanapin ninyo ako at para na rin sa kabatiran ng lahat at lalo na para magpaalala. Always wear your facemask, practice proper hand hygiene and social distancing. Mas pag-ibayuhin pa po natin ang pag-iingat. Nabanggit ko nga po kahapon, kahit po tayo ay maingat na, mas mag-ingat pa at minsan po ay talagang may mga pangyayaring di natin inaasahan tulad nito.
Salamat po sa inyong pagaalala at pagsama sa amin sa panalangin. Mabuti po ang ating Diyos. Let’s always keep the faith, be optimistic and do our part